This is how I envision the start of Pirena's Redemption - just for fun. Enjoy! :)
Sa kalagitnaan ng digmaan, isa kina Hagorn at Amihan ay nasa punto na ng kamatayan.
Amihan: Kailan man, sakim ka Hagorn!
Hagorn: Pagkatapos kong ubusin ang natitirang tapat sa bumagsak na Reyna ng Lireo, malalasap mo na ang yakap ng iyong ama, Amihan.
Amihan: Pagkatapos ano, Hagorn? Ano pa ang maaring mong gawin upang saktan ako?!
Hagorn: Isusunod ko ang iyong kapatid.
Napatawa si Amihan sa nabanggit ni Hagorn.
Amihan: Wala na dito sa Encantadia sina Danaya at Alena, Hagorn. Inilayo ko na sila sa pagmumukha mo.
Hagorn: Hindi sila ang itinutukoy ko, Amihan.
Labis ang pagtaka ni Amihan sa mga isinambit ni Hagorn at sa isang iglap, biglang napahinto sa kanyang hakbang ang tunay na Reyna ng Lireo.
Amihan: Pashneaaaaaaaa!!!
Lingid sa kaalaman ni Amihan na ang pagsugod niya kay Hagorn ay ang huli niyang paglusob sa isang kalaban. Ngunit isang matinding salita ang bumuo sa kanyang bibig bago siya mawalan ng hininga.
Amihan: Pirena
Nagising si Amihan sa gitna ng isang gubat, isang lugar na hindi niya mamukhaan. Habang siya'y lumibot, nakita niya ang isang diwatang akala niya'y hindi na niya makikita kailanman.
Amihan: Ades!
Ades: Avisala aking Reyna.
Amihan: Bakit ka nandito sa Encantadia, Ades? At sa buong akala ko ay patay ka na.
Malungkot na tinignan ni Ades si Amihan ngunit puno ng pag-alala si Amihan sa kanyang nakita sa mukha ni Ades.
Amihan: Bakit Ades? Bakit ka ganyan makatitig sa akin?
Ades: Malalaman mo rin ito.
Amihan: Hindi ko maintindihan, Ades.
Ades: Ibigay mo ang kasulatan na ito sa diwatang may karapatan dito.
Kinuha ni Amihan ang kasulatan at malaking pagtusok sa kanyang dibdib ang kanyang naramdaman. Kahit siya'y nawala na ng hininga'y, kanyang kapatid pa rin ang kanyang inaalala.
Amihan: Si Pirena. Nasa panganib si Pirena.
Bumalik sa ala-ala ni Amihan ang mga salita ipinaratang ni Hagorn sa kanya "Isusunod ko ang iyong Kapatid."
Amihan: Ang ibig bang sabihin nito Ades ay... Natagumpayan na patayin ako ni Hagorn?
Ades: Ikaw lamang ang makakasagot sa tanong na yan, Mahal na Reyna. Kailangan mabasa agad ang kasulatan na iyan na galing pang Devas sapagkat ang unang kasulatan ay pinuslit ng taksil na dama ng Lireo.
Amihan: Paano Ades? Paano ko makakausap ang aking kapatid kung hindi ko naman alam ang lugar na ito?
Ades: Pumikit ka, Kamahalan. Pumikit ka.
Si Pirena ay makikitang natutulog sa kanyang silid pagkatapos hanapin at alamin ang kinaroroonan ng kanyang ama na bigla lamang nawala sa nakalipas na ilang sandali . Kahit hindi niya sinasabi ay labis niyang kinamumuhian ang hindi paghiling ng permiso ni Hagorn sa kanyang mga balak. Nang mahimbing si Pirena sa kanyang kama, siya'y nanaginip.
Amihan: Avisala Pirena.
Labis ang pagkabigla ni Pirena sa kanyang nakita.
Pirena: Anong ginagawa mo sa aking silid Amihan?!
Amihan: Tignan mo ang iyong paligid. Wala tayo sa silid na minsan lang ay ninakaw mo sa akin.
Pirena: Ashtadi! Nasaan ako?!
Amihan: Ang totoo'y, hindi ko rin alam Pirena. Ngunit ang alam ko ay iisa lamang. Kailangan mo mabasa ang kasulatang ito.
Pirena: At saan nanggaling yan?
Amihan: Kay ina, Pirena. Kay ina.
At sa isang iglap, naalala ni Pirena ang mga binanggit na salita ni Ades bago siya mamatay "Wala na bang saysay ang kasulatan ny iyong ina, Pirena?". Binuksan ni Pirena ang kasulatan at ito ay patuloy na binasa ni Pirena.
"Aking Pinakamamahal na Pirena,
Alam kong nasasaktan ka sa mga pangyayari. At alam kong labis ang iyong paghinagpis dahil hindi mo nakuha ang matagal mong minimithi. Pero mas mahalaga sa akin ang iyong buhay kaysa sa milyong trono, korona at palasyo.
May kasalanan ako sa iyo, anak. Itinago ko ang totoong katauhan ng iyong ama sa matagal na panahon dahil alam kong mas masasaktan ka lamang, ngunit mainam kung ito'y sinabi ko na sa iyo. Si Hagorn ang iyong ama, Pirena.
Ito ang dahilan kung bakit hindi ikaw ang maaaring maging Reyna, anak. Hindi dahil sa hindi ka karapatdapat, ito ay dahil sinasagip kita sa maaaring magawa sa iyo ng iyong ama habang ikaw ang nasa trono. Panloloko sa iyo ang gagawin lamang ni Hagorn kung ikaw man ay maging Reyna. Gagamitin ka lamang niya sa kanyang mga plano at ito ang hinding-hindi ko matatanggap na mangyari, para sa iyong pakana at para sa buong Encantadia.
Kung alam mo lang ang labis na pagmamahal ko sa iyo, Pirena. Hindi lang dahil ikaw ang aking panganay, kungdi dahil ipinakita mo sa akin ang pagmamahal mo sa iyong mga kapatid kahit sila ay iyong mga naging karibal at ang pagmamahal mo sa akin ay walang kapantay. Wala akong duda na magiging isa kang mabuting Reyna ng Encantadia. Pero sana maintindihan mo anak, kung bakit lahat na ito'y nangyayari. Patas din ang pagkanalo ni Amihan at labis ang pagmamahal sa iyo ng iyong kapatid.
Kung hindi man tayo mapang-abot sa iyong pagbalik sa Lireo, ang huling hiling ko sana sa iyo ay pangalagaan mo ang iyong mga kababatang mga kapatid. Huwag mong hahayaan na maging patuloy na matigas ang puso ni bunso, tulad ng apoy, turuan mong tunawin ang bato sa kanyang puso. Huwag mong hayaang maloko si Alena, kung kaya't alam mo kung gaano siya'y mapagtiwala. Higit sa lahat, huwag mong hahayaang may mangyaring masama sa iyong Hara dahil isang mabigat na tungkulin at isang magulong Encantadia ang kanyang imamana. Ito ang huli ko hiling aking anak, at alam kong walang sinuman sa buong Encantadia ang mapapagkatiwalaan ko ng pinakamataas na tungkuling ito. Tandaan mo, higit pa sa pagiging reyna ang pagiging mabuting kapatid. Ang puso ang pinakamalakas mong sandata, anak. Gamitin mo ito.
Sana patawarin mo ako. Hihintayin ko ang iyong pagbalik sa Lireo, aking mahal.
Lagda,
Ang Iyong Ina"
Luha lamang ang pumatak sa lupang ikinatatayo ni Pirena. At unti-unti bumuo muli ang wangis ng kanyang kapatid sa kanyang harap, ngunit hinagpis, kalungkutan, kahirapan at dugo lamang ang nakita niya sa mukha ng kanyang kapatid.
Hindi malaman ni Pirena kung ano ang kanyang sasabihin.Tila ay nawala ang lahat ng puot at galit sa kanyang puso pagkatapos basahin ang mga salita ni Minea.
Pirena: Hindi ko alam... Naging bulag ako... Hindi ko alam, Amihan!
Amihan: Ngayon alam mo na lahat, Pirena. Ngunit may dala rin akong babala. Padating na si Hagorn sa Lireo. Nasa panganib ka Pirena.
Pirena: Hindi ko maintindihan. Ano ang nangyari sa akin?!
Patuloy na tinignan ni Amihan ang kanyang kapatid. Luha din ang pumatak sa lupa ngunit hangin din ang sumalubong sa kanya.
Amihan: Maikli na lamang ang aking panahon. Gawin mo ang huling hiling ng ating ina, Pirena. Protektahan mo sina Alena at Danaya at pagkatapos ay ipaglaban mo ang Lireo. Lumisan ka na aking kapatid. Lumisan ka na!
Pirena: Ano ang ibig mong sabihin Amihan? Bakit ka nanghihina! Amihan?!
"Lumisan ka na!" Pahina na nang pahina ang boses ni Amihan na halos hindi na marinig ni Pirena ang sigaw ng kanyang kapatid.
Pirena: Amihan!!!! Nasaan ka?!
Sa silid ng reyna, nagising at bumagsak sa kanyang kama si Pirena, hawak-hawak ang kasulatan na ibinigay sa kanya ni Amihan. Walang tigil ang iyak ng taksil na anak ni Minea. Hinanakit at kasuklaman sa sarili ang natirang pagdaramdam ni Pirena sa kanyang kaloob-looban.
Pirena: Amihan!!! Patawarin... mo... ako... Amihan!!! Ina patawarin mo ako!!! Kasuklam suklam ang mga nagawa ko... Naging bulag ako.
Mga masasakit lamang na ala-ala ang kanyang nakita sa kanyang mga mata: Ang kanyang paglaban sa sarili niyang ina sa harap ng Lireo, ang panlinlang niya kay Alena bilang Emre, ang panlokong ginawa niya kay Danaya sa mundo ng mga tao at huli sa lahat, ang walang awang pagpaslang at pagbagsak niya sa tunay na Reyna ng Lireo.
Pirena: Nay isa sa iyong hiling, ina, ay wala akong natupad!!! Bakit ganito?! Bakit ko tinalikuran ang sariling kong kadugo, ang sarili kong lahi?! Kasalanan ko ang lahat na ito. Kasalanan ko!!!
Ngunit sa kabila ng hinagpis, ay may natirang lakas si Pirena. Tulad ng apoy, lumiyab ang paghiganti sa kanyang puso.
Pirena: Hindi ito maaari!!! Kasalanan ko itong lahat.
Ngunit sa kabila ng nararamdaman na paghiganti, naisilang muli ang kanyang pagkasuklam kay Hagorn. Naramdaman niya ang dalamhati na mga napaslang na diwata, Mulawin at ibang nilalang sa kamay ng kanyang ama.
Pirena: Pero humanda ka, ama. Pagbabayarin mo ang lahat na ginawa mo sa Encantadia.
At sa huling saglit, naalala ni Pirena ang kanyang kapatid, ang kapatid na binigyan lamang niya ng labis na kahirapan, sakit, at hinagpis. Ngunit bumulong sa kanyang ang hangin, at ito ay kanyang pinakinggan pagkatapos ng mahabang panahon sa kanyang pagtalikod sa tunay na Reyna ng mga Diwata.
Pirena: Isinusumpa ko, Amihan, ipaglalaban kita. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ako makakabawi sa iyo. Pangako ito Amihan, pangako, aking Mahal na Kapatid. Pangako, Ina. Ivo Live Lireo!
-The End-This is how I envision the start of Pirena's Redemption - just for fun. Enjoy! :)

-The End-
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento